May mga isang libong sapa na sumasabang sa Ilog Umiray, at ang bawat sapa ay may pangalan.  

 

Karamihan sa mga pangalan ay nasa wikang Tagibulos (wika ng mga Agta na naninirahan sa tabi ng Ilog). Ang iba naman ay Tagalog. Ang unang 70 mga pangalan, nakaayos mula sa bukana ng Ilog pahulo ay nakalista sa ibaba. Marami sa mga pangalan ay  halaw sa halaman katulad ng Tikol (talahib sa Tagalog), Lanatong (lipa sa Tagalog), Singawan (balite) at Matatambo. Ang Tikatmon ay halaw sa katmon, gayundin ang Tisuka (katmon sa Tagalog, suka sa Tagibulos). Maaaring mamahinga muna ang pagod na manlalakbay sa bahagi ng ilog na kung tawagin ay Tulugang bato. Kailangan namang languyin ang bahagi na kung tagurian ay Languyan.  Ang ilang pangalan ay halaw naman sa bundok na kinabukalan ng sapa o batis, katulad ng Mag-asawang bundok.

 

Sasan

Pinamaypayan

Madadalme

Kapakopakoan

Kuyungan

Idyang

Binuwang

Binsagan

Pigsalan

Busongbusong

Lapduk

Malaya

Tiklupan

Pigsabalan

Sigiysigiyin

Payapay

Dayapan

Pigsagupsagupin

Pilipit

Saligumpaon

Tikol

Odaleg

Sumanga

Tikatmon

Mapidyas

Kamandag

Naga

Tupas

Binaluan

Languyan

Lanatong

Mag-asawang bundok

Lungo

Tadyangaw

Borokborok

Puting bato

Matatambo

Tawog

Makatongkatong

Baknis

Kinagubatan

Pitak

Tagangan

Kinabayuhan

Tulugang bato

Dugyang

Iwis

Kulawin

Panagsaan

Tambo

Matinik

Pinalongutan

Kabakungbakungan

Padodokmakin

Pigsabosabo

Balukong maliit

Mandaraki

Inagapan

Libutan

Tisuka

Balukong malaki

Buslot

Inamitan

Matokoltokol

Biliway

Singawan

Kabungabungan

Bitobito

Tuwak

Nilitawan

 

May mga sumasabang na maituturing nating ilog din sila dahil sa kanilang laki – katulad ng Kamandag, Puting bato, Singawan, Pinamaypayan, Naga at Mandaraki – at sila ay pinagsasabangan din ng kanilang sariling mga sapa o batis.

 

Nakaukit sa mga pangalan ng mga sapa na sumasabang sa Ilog Umiray ang yaman ng kasaysayan at likas-na-kasaysayan naming mga Agta sa Umiray.

 

70 pa lamang ang ating naitala dito. Kailangan ng mahabang panahon, marahil ay kalahating taon, upang mailarawan at maitala nang may katapatan sa likas-na-kasaysayan ang libong sapa na sumasabang sa Ilog Umiray.  Ang panghuling nakalistang pangalan sa salaysay na ito ay Nilitawan. Ang susunod ay Nilubogan. May mahigit sa 900 pangalan pa.

 

Ang Ilog Umiray ay daantaon, marahil laksang taon, nang kakawing ng aming buhay - bukal ng aming inuming tubig at pinagmumulan ng pagkain, lagusan ng aming pakikipamuhay at pakikisalamuha, tagalinis ng katawan at kaluluwa. Ang Ilog din ang nagdala ng trahedya nitong taong 2004 sa ilan naming kaanak, bunga ng mga pangyayari na tao, hindi kalikasan, ang may gawa.

 

Nais naming panatilihin ang laya ng agos ng Ilog Umiray. Sana ay makatulong din ang mapagmalasakit na mga kaibigan.

_____________

Isinalaysay nina Carlos Avellanida, Graciano Ritual at Rosauro Ritual kay Isidro Sia  Abril 12-13, 2014 sa baybay ng Umiray sa Dingalan, Aurora at General Nakar, Quezon. Si Carlos Avellanida ay nagtrabaho noong mga taong 1975-2004 sa ilang logging company sa Umiray. Si Graciano Ritual ay kasalukuyang chieftain ng Agta sa Barangay Pulang lupa sa General Nakar; si Rosauro Ritual ay isang lider katutubo at kapatid ni Graciano. Si Isidro Sia ay guro sa Unibersidad ng Pilipinas Manila.

 

Kung may mga komento o tanong, maaari pong komontak sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it..

 

Kung nais sipiin ang salaysay, ganito po ang mungkahing pormat: Avellanida C, Ritual G, Ritual R, Sia I. May mga isang libong sapa na sumasabang sa Ilog Umiray, at ang bawat sapa ay may pangalan.   Available from: www.katutubolokal.com. Updated 2014Apr14, accessed YYYYMmmDD.